wala
bakit nga ba?
may tao na ayaw sa akin.
bakit nga ba?
may tao na gusto ako.
bakit nga ba?
may tao na ayaw ko.
bakit nga ba?
may tao na gusto ko.
buwesit na buhay!
sino ba ako?
sino ka ba?
ano ba ang pagtingin ko sa iyo?
ano ba ang pagtingin mo sa akin?
ako’y tao lamang!
ika’y tao lamang!
bakit nga ba ang tao sa mundo?
may kagustuhan.
may kaayawan.
ano ba ang tao para sa tao?
ewan!
ewan ko ba!
may taong mahirap.
may taong mayaman.
sino ang karapat dapat?
sino ka para sa tao?
ano ka para sa tao?
paano ka naging tao?
bakit ka naging tao?
oo, oo.
hindi, hindi.
ano nga ba tayo?
ano ba ako?
ako’y isang tao lamang.
ika’y isang tao lamang.
tayo ay tao lamang!
sila ay tao rin!
ano ako!?
wala ba kayong napapansin
wala ka namang dapat pansinin!
kailan ako susunod?
wala ka namang dapat sundin!
bahala na.
ano ba dapat?
ikaw ay nagsasalamin.
ako ay nagsasalamin.
sila ay nagsasalamin.
bakit sila nagsasalamin?
tingin dito.
tingin doon.
ano bang mayroon?
meron, ano ba yun?
wala, eh di wala.
subalit may isa pa!
ano ba itong isa?
iniisip niya.
iniisip ko.
iniisip nila.
ano ba itong pag-iisip?
dito tayo nakakaisip!
ano ba ang kailangan ko?
ano ba ang kailangan mo?
ano ba ang kailangan nila?
dahil kailangan talaga natin yan.
bakit pa ba?
wala akong maisip.
dahil nagmula sa wala.
tatapos din sa wala.
wala nga ba?
wala nga.
wala siya.
wala ako.
wala rin.
wala lang.
wala na.
wala pa.
wala, wala, wala.
wala na…
bakit wala na?
sapagakat wala.
walang ano?
wala.
wala na yata?
tayo ay tao.
walang tao.
dahil sa wala na.
ay matatapos na.
ang pagwawala ng wala
sinong wala?
anong wala?
bakit nawala?
kailan nawala?
paano nawala?
ilan ang nawala?
wala!
bakit ba puro na lang wala?
dahil sa wala.
tayo ay nawala.
saan tayo nawala?
wala namang mawawala?
dahil nawala na ang wala.
hanggang sa nawala
ang pagiging wala.
ang pagiging wala
ay dumating sa wala.
nagmula sa wala
darating sa wala.
ang buhay ng tao ay wala.
bakit sa buhay ng tao ay wala?
dahil wala!
wala naman eh…
walang kailangan.
walang pangangambahan.
walang pagdadausan.
walang kinalaman.
walang pinag-isipan.
walang pinag usanpan.
walang pinagsipingan.
walang pangangatwiran.
walang pakikialaman.
walang papupuntahan.
wala na.
dahil ako’y mawawala na.
pag nawala na.
ibig sabihin ay patay.
bakit patay ay wala?
dahil wala ng saysay.
ang buhay pagnawala.
saysay ay wala na.
wala ng saysay ang buhay ng tao.
kaya dapat ay mawala na.
dapat lang na mawala na.
dahil wala namang saysay.
bakit walang saysay?
dahil wala namang buhay.
kapag naubos na.
ito’y mawawala na.
bakit mawawala na?
dahil naubos na.
ubos na at wala.
wala na at ubos.
sige mawala ka.
dahil wala namang mangyayari.
nawala ang pangyayari.
ay…
wala na.
kunti na lang
at mauubos na.
kaiangan pa bang isipin to?
o kalimutan na lamang.
ang buhay sa mundo
ay saglit lang.
magtitiis ka ba sa wala?
o magwala na lamang.
wala! wala!
ay… mawawala na.
sino na ako para magwala?
ako ay wala!
huwag mo ng hintayin.
na ako’y mawala.
dahil ito ay wal lang
sa paningin ng tao.
wala ka bang magagawa
para ako’y iyong tulungan
ako’y nagmamakaawa
na huwag niyong pansinin
ang aking ginawa
dahil ito’y wala lang
sino nga ba ang lugi?
kung ito’y di mo pansinin
ako ba o ikaw?
wala ka namang magagawa
kung ito’y pansinin mo.
meron nga ba?
kaya’t gawin mo na!
dali! gumawa kang paraan!
para ako’y hindi mamaalam.
kapag ako’y namaalam.
tiyak kayo’y walang magagawa!
kundi tumingin na lamang
bakit nga ba ako ganito?
humingi ng tulong sa inyo.
ako ba ay may problema?
ako ba’y nahihirapan?
ako ba’y mag sisisi?
sa aking gagawin.
kapag ako’y nawala.
wala namang sisisihin.
ikaw ba’y katulad ko?
di alam ang gagawin.
di alam ang gagawin
dahil wala namang gagawin.
ikaw ba’y natakot?
huwag kang matakot!
dahil hindi ka ang mawawala!
ako? ako ba?
hindi ko alam.
basta’t huwag kang gagawa
ng di dapat gawin.
dahil wala na.
mawawala na.
matatapos rin ang buhay mo.
matatapos rin ang buhay ko.
walang magagawa.
walang gagawin
kundi tumingin.
bakit ka ganyan?
wala!
wala na…
mawawala na
at matatapos na